Sinubok nung mga pangyayari nung Huwebes, ika-labing-isa ng Pebrero, ang beauty ko.
1. Unang-una. Pagkatapos ng Math17, nakagawian na namin nila Jenn at Angie na kumain sa Grove. :) Naglakad kami galing sa
hell Math Building papuntang Grove. Sa ilalim ng init ng araw.
WALANG PAYONG.
Sinubok ni Jenn at Angie ang beauty ko.
2. Pagkatapos nun, sinabi ko sa kanila na samahan nila ako papuntang Physical Sciences Building, galing Grove. MALAYO YUN. :| Wala pa rin kaming payong.
Sinubok na naman ng daan sa UPLB ang beauty ko.
3. Pagkatapos, nagpaalam na ko sa kanila at ipinasa ko na yung checklist ko sa adviser ko na si Sir Samaniego. Tinanong ko sa kanya kung paano ibahin yung GE plan, itanong ko raw sa College Sec.
Pumunta ako sa College Sec. Itanong ko raw kay Ate Ides.
Sinubok ng nagsabi sakin nun ang beauty ko. Babalik na naman tuloy ako sa PhySci galing CAS.
4. Dahil nasa CAS na ko, napag-isipan kong kunin na lang ang resulta ng midterms namin sa Math2. Pumunta ako sa office ng Prof ko run.
May kausap siya. Medyo ilang minuto rin akong naghintay sa opisina niya.
Mainit. Nakakainip.
Sinubok ng Prof ko sa Math2 ang beauty ko.
5. Bumalik na naman ako sa PhySci para pumunta sa ICS kay Ate Ides. Kinuha ko ang GE Plan ko. Ang daming tao. Medyo natagalan din ako nung kinuha ko yun.
Sinubok ng ICS ang beauty ko.
Pagbalik ko sa dorm feeling ko 10% initim ko.
6. Nung tanghali, sinabi ng roommate ko na si Max na hindi raw siya papasok sa NSTP niya na LTS1 at iaabot ko na lang sa classmate niya dun na si Niel yung assignment niya. :) Tinext namin si Niel para dun. Oo raw. Napagkasunduan namin na magkita sa PhySci.
Di na ko tinext ni Niel. Ayun pala, nasira pala ang phone niya. Nabasag LCD. Hindi kami nagkatagpo sa PhySci. Nagkasalisi kami. Nakakahiya sa kanya.
Niel, sinubok mo ang beauty ko. :)
7. Sa PE ko na Philippine Games, naglaro kami ng patintero.
Nataya ang group namin dahil sakin. Haha! Bakit ba. First time ko kaya maglaro nun. :)
At dahil diyan, super haggard ako. AS IN SUUUPPPPEEERRR.
PE2, sinubok mo ang beauty ko.
8. Sa Math1 naman, nagfilm showing. Airconditioned ang Lecture Hall. Galing sa mainit na lugar, pagkatapos pawisan at mapagod ng sobra-sobra, papasok ako sa isang airconditioned room.
Math1, sinubok mo ang beauty ko.
:))))
WHATADAY.