Mameh.
Salamat sa lahat. :)
Salamat sa pag-unawa mo sakin sa tuwing may sumpong ako.
Salamat dahil kahit magpakahirap ka sa pagttrabaho para matugunan laman ang pangangailangan ng pamilya natin.
Salamat dahil hindi ka nagagalit, at inunawa mo ako nung panahong nabagsak ko ang isang subject ko.
Salamat dahil kapag maysakit ako, lagi kang nandiyan para alagaan ako. Itinatanong mo kung ano ang gusto ko, at mabilis pa sa alas-singko, andyan ka na para ibigay ito.
Salamat dahil inintindi mo ko nung panahong nagmahal ako. (cheesy woo.)
Salamat dahil sinusundo mo ko sa terminal kapag kauuwi ko galing ng Laguna.
Salamat dahil ipinagluluto mo ko ng mga paborito kong ulam. Walang tatalo sa sinigang at bulalo na niluluto mo para sa amin.
Salamat dahil iniintindi mo na hindi ako naging anak na pinangarap mo.
Salamat dahil iniintindi mo ang mga kaartehan ko.
Salamat dahil nakuha ko ang kagandahan mo. :)
Salamat dahil kahit alam mo na may mali ako, sa akin ka pa rin kumakampi.
Salamat sa lahat.
Walang tatalo sa pagmamahal mo. :)
Happy mother's day, mameh. :)
(alam kong hindi mo to mababasa haha, pero kung mabasa mo man, maiyak ka sana haha.)